Inaprubahan na Committee on Foreign Affairs ng Kamara na pinamumunuan ni Zamboanga Sibugay Rep Ann Hofer ang substitute bill na mag-aamiyenda sa Republic Act 8239 o ang Philippine Passport Act of 1996, na naglalayong pangalagaan ang mga karapatan ng mga Pilipino sa malayang paglalakbay kahit pa nasa gitna ng pandemya ang ating bansa.
Layon ng panukala na limitahan ang mga pangangailangan para sa aplikasyon at pag-iisyu ng pasaporte at iba pang dokumento sa paglalakbay.
Igagarantiya rin ng panukala ang 32 porsyentong diskwento sa bayad para sa mga senior citizen at hindi na rin nila kakailanganin pa ang personal appearance para makapag renew ng pasaporte.
Ang ibang aplikante naman ay kailangan ng personal appearance at dapat na magsumite ng iba pang mga dokumento, ngunit ito ay ginawang simple na lamang bilang pagsunod sa pandaigdigang pamantayan at kahalintulad na mga lokal na batas. Passpost act, aamiyendahan sa gitna ng pandemya
Inaprubahan na Committee on Foreign Affairs ng Kamara na pinamumunuan ni Zamboanga Sibugay Rep Ann Hofer ang substitute bill na mag-aamiyenda sa Republic Act 8239 o ang Philippine Passport Act of 1996, na naglalayong pangalagaan ang mga karapatan ng mga Pilipino sa malayang paglalakbay kahit pa nasa gitna ng pandemya ang ating bansa.
Layon ng panukala na limitahan ang mga pangangailangan para sa aplikasyon at pag-iisyu ng pasaporte at iba pang dokumento sa paglalakbay.
Igagarantiya rin ng panukala ang 32 porsyentong diskwento sa bayad para sa mga senior citizen at hindi na rin nila kakailanganin pa ang personal appearance para makapag renew ng pasaporte.
Ang ibang aplikante naman ay kailangan ng personal appearance at dapat na magsumite ng iba pang mga dokumento, ngunit ito ay ginawang simple na lamang bilang pagsunod sa pandaigdigang pamantayan at kahalintulad na mga lokal na batas.