Tuesday, August 11, 2020

-Panukalang better normal, humabol ding maaprubahan sa third reading

Sa botong 242, nagkakaisang ipinasa ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa huling pagbasa noong Lunes ang House Bill 6864 o ang Better Normal for the Workplace, Communities, and Public Spaces Act of 2020.


Layon ng batas na magtatag ng pamantayan para sa pampublikong kalusugan at kalikasan gayundin ang patakaran sa better normal para sa layunin ng pag-ahon mula sa pandemya dulot ng COVID-19.


Sa pamamagitan ng pagsasabatas ng panukala, inaasahang magpapatuloy ang paglago ng ekonomiya at gawaing pampamayanan habang tinitiyak ang kaseguruhan sa pampublikong kalusugan, kaligtasan at seguridad sa panahon ng epidemya at pandemya.