Ipinahayag ni AnaKalusugan Partylist Rep Mike Defensor na nalugi ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ng humigit kumulang P153.7 bilyon magmula 2013 hanggang 2018.
Sa isinagawang hearing ngayon ng House committee on public accountability, na kilala bilang House blue ribbon committee, hinggil sa diumano mga anomalya sa PhilHealth, sinabi ni Defensor, na siyang namumuno sa panel na batay sa itinakda ng Commission on Audit o COA, ang health insurer na pinatatakbo ng estado ay nalugi ng may P102 bilyon dahil sa overpayment.
Idinagdag pa ni Defensor na, samantala, kung i-compute sa 10%, ang PhilHealth ay nawalan ng P51.2 dahil sa katiwalian.
Ayon pa solon, tinataya na P153 billion magmula 2013 na nagsimula ang case rate hanggang 2018 ang nawalang pondo sa PhilHealth.
Ipinaliwanag ni Defensor na ang case rate sytem ay nag-umpisa noong 2011 ngunit may isa pang circular na inilabas sila noong 2013 at ginawa nila dito na ang lahat ng pagbayad ng Philhealth, hindi na fee for service.
Ano ba yung fee for service, pagtatanong pa ng mambabatas at kapag ikaw ay nagkasakit, gumastos ka ng P5,000, at ipagpalagay ito na pneumonia, ang ginastos mo ay P5,000 lamang, pero dahil ang case rate o ang case-based payment nila ay P15,000, babayaran pa rin ang hospital ng P15,000.
Dito na umano ang pamahalaan ay nalulugi, dagdag pa ng chairman ng komite.