Tuesday, August 11, 2020

-Namahagi ang Kamara ng P1 milyong donasyon sa mga taga-Isabela na apektado ng pandemya

Pinangunahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano noong Lunes ang opisyal na pamamahagi ng P1 milyong donasyon ng Kamara de Representantes ng Kongreso ng Pilipinas sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela habang patuloy na nakikipaglaban ang bansa sa pandemya dulot ng COVID-19.


Sa kanyang mensahe, sinabi ni Speaker Cayetano na ang donasyon ay galing sa mga sahod ng mga mambabatas bilang pagpapamalas ng kanilang malasakit at turingang-kapatid sa kanilang kapwa mambabatas sa panahon ng krisis.


Sa ngalan ni Isabela Governor Rodolfo Albano III at ng mga mamamayan ng lalawigan ay lubos na nagpasalamat naman sina Rep Antonio Albano ng 1st District ng lalawigan, Rep Ed Christopher Go ng 2nd District at Rep Faustino Dy ng 6th District.


Ang pamamahagi ng donasyon na isinagawa sa Batasan Complex ay sinaksihan ni Committee on Accounts Chairman at Cavite Rep Abraham Tolentino.