Iminungkahi ni Buhay partylist Rep Lito Atienza sa liderato ng Kamara de Representantes na aprubahan na nila sa lalong madaling panahon ang lahat na mga panukalang tutugon sa COVID-19 upang sila ay magkaroon ng mga araw na makapag-break hanggang sa sandaling ang pandemya ay kontrolado na.
Ang tinutukoy ni Atienza ay ang lahat na mga mahahalagang proposal para sa suportang medical, economic at financial sa ating mga mamamayan.
Sinabi ng mambabatas na matapos nilang maipasa itong mga urgent anti-COVID-19 measure, maaari na segurong ikonsidera ng Kongreso ang kanyang mungkahi para sa isang break sa kanilang mga session sa pamamagitan ng internet via Zoom habang ang coronavirus ay namiminsala sa ating mga kababayan.
Hindi raw siya makapapayag na magpatuloy itong abnormal na pamamaraan ng pagpasa ng mga mahahalagang batas habang inilalagay sa peligro ang mga buhay ng House emplyees na amaasiste sa mga mambabatas.
Sa kasalukuyan, 36 nang House employees at 4 nang mambabatas ang nag-positibo sa COVID-19.
Dahil dito, lumiham siya kay House Speaker Alan Peter Cayetano at mariin niyang hiniling na dapat magkaroon sila ng break at mag-resume lamang kung nag-normalize na ang panahon.