Tinalakay sa Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle sa pamumuno ni Rep Ramon Guico III ang P12.81 Bilyong panukalang pondo ng DILG para sa susunod na taon, lalo na ang pagpapatupad ng mga programang pang kaunlaran sa mga Regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Ayon kay Asst Sec Frank Cruz, ang 74% na paglaki ng panukalang pondo ng kagawaran ay nakatuon sa panloob na kakayahan ng mga lokal na pamahalaan na tugunan ang epekto ng pandemya upang makaahon sa krisis.
Kasama na rito ang pagtatatag ng kakayahan sa ekonomiya ng mga lokal na pamahalaan sa kanayunan sa pamamahagi ng trabaho at kabuhayan bilang suporta sa programang Balik Probinsya, Bagong Pasg-Asa (BP2).
Matapos ang pakikipag ugnayan at konsultasyon sa iba’t ibang bayan at mga barangay ng kagawaran ay kanilang isinama ang mga programa sa panukalang pondo para sa Hilagang Luzon.
Ito ang Risk Resiliency Programs at ang mga proyekto tulad ng Strengthening Initiatives for Balanced Growth and Opportunities at the Localities (SIBOL), SALINTUBIG at Bantay Korapsyon na nais pag-isahin ng National Economic Development Authority (NEDA) upang gawing isang regional development plan.