Iminungkahi ni House ways and means committee chairman at Albay Rep Joey salceda na palawakin ang satellite technology at pabilisin pa ang internet lalo na sa mga probinsiya.
Ito ay nakapaloob sa kanyang panukalang batas na inihain sa Kamara de Representantes, ang HB07081, na tataguriang Satellite-Based Technologies Promotion Act of 2020.
Sinabi ni Salceda na chairman ng House tax panel na susuportahan ng HB 7081 ang higit na matibay na digital economy lalo na ang sektor ng mga work-from-home o mga nagtatrabaho mula sa kanilang mga tahanan sa gitna ng pandemya.
Bukod pa dito, tututukan din aniya nito ang distance learning program ng mga paaralan ngayong may pandemya.
Aamyendahan at luluwagan ng din ng panukalang batas ang mga paghihigpit sa paggamit ng teknolohiyang satellite na ngayon ay bukas lamang sa mga kumpanyang pang-telekumunikasyon gaya ng isinasaad ng Executive Order No. 467 noong taong 1998.
Idinagdag pa niya na ginawa ng COVID-19 na mahalagang bahagi ang internet connectivity sa pagbangon ng ating ekonomiya.
Paliwanag pa ng solon na mawawalang saysay ang work-from-home kung wala ito na sadyang mahalaga at kailangan sa pagbangon ng ating bansa.