Ang kapalaran ng ABS-CBN sa pamamagitan ng gagawing botohan kung dapat pa bang mabigyan ng panibagong 25 taong prangkisa upang makapagpatuloy ng operasyon ang media giant sa bansa.
Sinabi ni House Committee on Legislative Franchises Chairman at Palawan 1st District Rep Franz “Chicoy” Alvarez na mamaya (sa Lunes, Hulyo 6) ay posibleng tapusin na ang pagdinig.
Sinabi ni Alvarez na tapusin na lang ang hearing, kung matapos na magtanong lahat mamaya (sa Monday), last hearing na yun.
Ang komite ni Alvarez at ni 1st District Bulacan Rep Jose Antonio Sy-Alvarado, chairman ng House Committee on Good Government ang nagsasagawa ng pagdinig sa ABS-CBN.
Ayon naman kay Sy-Alvarado, matapos ang pagdinig ay magbobotohan na ang mga Kongresista kung dapat ba o hindi na mabigyan ng prangkisa ang network o tuluyan nang tuldukan ang operasyon nito.
Kaugnay nito, umaasa naman si ABS-CBN President and Chief Executive Officer Carlo Katigbak na papaboran ng mga Kongresista na mabigyan pa ng pagkakataon ang network na makapagpatuloy ng operasyon na mahabang panahon na itong kaagapay ng mga pamilyang Pilipino.