Thursday, July 30, 2020

-Pagbebenta ng produkto gamit ang electronic platform, papatawan na ng 12% VAT

Papatawan na ng Value Added Tax (VAT) ng pamahalaan ang mga digital service providers na gumagamit ng digital at electronic platforms tulad ng Netflix, Spotify, Lazada, Shopee at iba pa.


Sinabi ni Albay Rep Joey Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, na inaprubahan na ng kaniyang komite ang panukalang batas  para pagbayarin ng 12 % VAT ang mga dayuhan at lokal na kumpanya na nagbebenta ng mga produkto gamit ang digital at electronic platforms.


Ang nasabing bill ay naglalayong amiyendahan ang Section 105-A ng National Internal Revenue na may probisyon sa mga non-resident digital service providers na magbayad ng tax sa gobyerno.


Ayon kay Salceda, ang mga malalaking kumpanya katulad ng Netflix at Spotify na nagbebenta sa Pilipinas ay dapat magbayad na ng 12% VAT.


Ngunit hindi na raw magbayad ang mga ito ng income tax dahil hindi naman sila nirequire na magkaroon ng domicile dito sa ating bansa.


Kung maging batas, inaasahan na kikita ang pamahalaan ng P10 bilyon sa buwis.