Umapela ang ilang mga kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawan ng paraan para maiuwi ang libo-libong overseas Filipino workers (OFWs) na ilang linggo nang nabibinbin sa ibang bansa at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na naghahanap ng paraan ang liderato ng Kamara na matugunan ang pag-uwi ng OFWs na stranded sa mga airport, bus terminal, at daungan.
Ani Romualdez, chairman ng House committee on rules, magkakaroon ng imbestigasyon ang House Committee on Accounts sa pamumuno ni Anakalusugan party-list Rep Mike Defensor.
Binigyang diin ni Romualdez ang kahalagahan ng dagdag na flights para makauwi ang OFWs.
Ayon naman kay Defensor, iimbitahan nila ang lahat ng opisyal na may kinalaman sa kapakanan ng OFWs.
Ang pagdinig ay dadalohan ng ilang kongresista pero ang karamihan ay sa pamamagitan ng video conference.