Wednesday, July 29, 2020

-Nadagdagan pa ng apat ang kaso ng COVID-19 sa Kamara, dahilan para umabot na sa 27

Nakapagtala pa ng apat na dagdag na kaso ng coronavirus disease sa House of Representatives dahilan para umabot na sa 27 ang kabuuang kasong naitala rito.


Kinumpirma ito ni House Secretary General Jose Luis Montales nitong Lunes.


Ayon kay Montales na miyembro ng House security staff ang panibagong nagpositibo matapos na sumailalim sa swab test nitong Linggo bilang parte ng protocol para sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Naka-isolate naman na ang staff na nagpositibo. Nasabihan ito nitong Lunes, ani Morales.


Kabilang din sa bilang ng nagpositibo sa COVID-19 ang nauna nang naiulat na si Deputy Speaker Johnny Pimentel.


Samantala, dalawang miyembro naman ng House housekeeping staff ang nagpositibo rin sa COVID-19.


Agad na ikinasa ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa sakit.