Sa padinig na isinagawa ng Committee on Enery sa Kamara de Rapresentantes noong nakaraang Huwebes, pinalawig pa ng Manila Electric Co. (Meralco) ang suspensyon sa disconnection activities hanggang katapusan ng Setyembre.
Magigunitang nauna nang inanunsyo nito na walang mapuputulan ng kuryente hanggang buwan ng Agosto.
Sa naturang hearing, sinabi ni Meralco president and CEO Ray Espinosa na walang mangyayaring putulan hanggang sa Setyembre 30.
Batay sa patuloy na House investigation, nagbigay ng update si Meralco vice president Victor Genuino kung saan tumugon umano sila sa direktiba ng Energy Regulatory Commission at Department of Energy sa payment extension at installment payments ngayong community quarantine period.
Ang mga bill aniya na ni-release magmula noon pa ay nakabase sa actual readings na kanilang nakamtan galing sa mga metro.
Paliwanag pa ng opisyal, nakalagay sa bill ng buwan ng Hunyo ang mga katagang “meter has been read and it is clearly stated at the front of the bill.”