Nananawagan si ACT-CIS Party-list Representative Nina Taduran sa Department of Health (DOH) na umayos ito sa harap ng magulo at nakaaalarmang datos kaugnay ng sitwasyon sa COVID-19 sa bansa.
Nais din ni Taduran na maging tapat at eksakto ang datos na inihaharap ng DOH sa publiko.
Sinabi ng mambabatas na hindi daw nakapag-labas ng updated na datos hinggil sa mga kaso ng COVID-19 noong nakaraang araw ng Linggo at nang sumunod na araw, siya ay nasurprisa sa malaking paglukso ng numero ng positive cases na umabot sa 2,124 at bigla na lamang na pinalitan nila ang reporting.
Wala na raw ‘yung fresh at late cases, at ang additional positive cases na lamang ang lumabas.
Kaya nagtatanong siya tuloy kung bakit bigla na lamang na-realize ng DOH na dapat i-separate ang fresh cases sa late cases o dili kaya ay mga bagong fresh cases lamang ang kanilang inilabas para sa linggong ito.