Inaprubahan na ng House committee on trade and industry // ang panukalang magtatatag ng Electronic Commerce Bureau // na may layuning poprotekta sa mga online consumer at mga merchant.
Sinabi ni Valenzuela Rep Wes Gatchalian // na ang panukala ay magri-regulate // sa lahat na mga trasaksiyong pang-komersiyo ng business-to-business // at business-to-consumer sa pamamagitan ng internet retail,// kasama na rito ang online travel, online media, ride hailing services at digital financial services.
Ayon kay Gatchalin na siya ring may-akda ng panukala, // ang consumer-to-consumer transactions, o yong kinokonsiderang petty, // one-off, o paminsan-minsang mga low value transaction // ay hindi sakop dito sa panukala.
Idinagdag pa ng solon // na ang eCommerce Bureau // ay ang siyang magsilbeng central authority // kung saan ang mga consumer at ang mga merchant // ay dudulog kung sila ay magkaroon ng problema // na may kaugnayan sa eCommerce transaction // para sa out-of-court resolution ng mga ito.
Nais ng panukala // na gawing liable ang mga online platform // kagaya ng Lazada, Shopee at Zalora // kung ang mga ito ay nagbibenta ng mga item // na hindi nagko-comply sa batas at walang kaukulang registration // sa mga angkop na regulatory agency.
Ipapasa na ng komite ang panukala sa plenary // para aprubahan ito sa pangalawa at pangatlong pagbasa.