Dalawang venue ang naka-set up sa Lunes // para sa gaganaping ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isinagawang briefing via Zoom, // sinabi ni RTVM Executive Director Demic Pabalan na // dalawang venues ang aktibo sa SONA, // ang Mababang Kapulungan at ang Malakanyang.
Paliwanag ni Pabalan, // ginawa nila ito sakaling magkaroon ng mga last-minute changes o aberya // sa araw ng SONA ng Pangulo.
Aniya, // ikinukunsidera din nila ang magiging resulta ng swab at rapid test // ng mga dadalo sa SONA.
Sakaling mataas ang bilang ng mga magpositibong guest sa gagawing testing // ay posibleng mag-switch over sila sa Malakanyang // at doon na magsagawa ng kanyang ulat sa bayan si Pangulong Duterte.
Hindi naman ito ipinagbabawal dahil // ilang Pangulo ng bansa na rin noon ang nagsagawa // ng kanilang SONA sa labas ng Batasan // at naging tradisyunal na lamang na gawin ang SONA // sa plenaryo ng Kamara.
Samantala, sa ikatlong pagkakataon // ay si Bb Joyce Bernal ulit ang magiging director ng SONA ng Pangulo.
Ipagbabawal naman na ang live-singing // ng Lupang Hinirang at sa halip ay video playback na lamang // ang gagawin kung saan mga bata na kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao // ang kakanta ng pambansang awit.
Sinabi naman ni House SecGen Atty Jose Luis Montales // na wala na ring welcoming committee na sasalubong at kakamay sa Pangulo // sa pagdating nito sa Lunes bilang pagsunod na rin sa health protocols.
Posibleng diretso na ito sa Speaker's Office // para maghintay o kaya naman ay sa mismong plenaryo na // para maghatid ng kanyang ulat sa bayan.