Nag-alala si ACT-CIS Partylist Representative NiƱa Taduran sa mga pasyenteng may Covid-19 na hindi na matanggap sa mga ospital sa Metro Manila.
Dahil dito, iminungkahi ng solon na ilipat na sa mga pagamutan sa kalapit lalawigan ang mga pasyenteng hindi na matanggap sa mga ospital sa Metro Manila dahil puno na ng mga pasyenteng may Covid.
Ayon sa kanya, kailangang mailagay sa tamang pasilidad ang mga pasyenteng may Covid-19. Gayundin, hindi na aniya kakayanin ng mga healthcare workers sa Metro Manila ang mga dumaraming pasyente sa kanilang ospital.
Idinagdag pa ng mamanabatas na kung wala nang available rooms sa mga hospital sa Metro Manila, bakit hindi daw dalhin ang mga pasyente sa pagamutan sa labas ng NCR at gamitin ang One Hospital system ng DOH para malaman kung saan puwedeng dalhin ang mga pasyente.
Hindi rin daw puwedeng magdagdag lang ng Covid beds ang Metro Manila hospitals ngunit hindi naman nila madagdagan ang mga healthcare workers nila.
Dahil dito, hiningi ni Taduran ang kooperasyon ng mga pinuno ng local government units sa mga lugar ng ospital na paglilipatan ng mga pasyente.