Nasa agenda na ng Kamara // ang pagtalakay sa pag-amiyenda // ng 1987 Constitution // kahit ang bansa ay kumakaharap ngayon // sa COVID-19 pandemic.
Ito ang napagpasyahan // ng mga mambabatas // batay na rin sa resolusyong ipinasa // ng 1,488 na mga miyembro // ng League of Municipalities of the Philippines // (LMP) // para itulak ang pagpapalit ng Saligang Batas // na aamiyenda sa ilang probisyon // hinggil sa ekonomiya.
Sinabi ni House Committee on Constitutional Amendments chairman // Rufus Rodriguez // na magpapatawag siya // ng isang virtual meeting // sa loob ng dalawang linggo // ng kanilang sesyon // upang talakayin ang panukala ng mga town mayors // alinsabay na rin // sa ilan pang mga nakabinbin // na mga measure sa komite.
Layon ng charter change // na payagan ang ilang foreign investments // ng 100% na pagmamay-ari ng banyaga // sa mga lupain ng Pilipinas // na bawal sa 1987 Constitution.
Ngunit pinangambahan // ng ilang mga tagamasid // na baka maisuko natin // sa mga banyaga // ang nalalabing patrimonya ng bansa // kung tanggalin ang // 60-40 ownership restriction // sa ilang industriya.
Maaari rin daw isingit dito // ang term extension para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Planong pulungin ni Rodriguez // ang panel matapos ang State of the Nation Address // (SONA) ng Pangulong Duterte sa ika-27 ng Hulyo.
Matagal nang tutol // ang ilang sektor sa mungkahing cha-cha, // na dati nang ginagamit // para tumungo ang gobyerno sa pederalismo.