Tuesday, July 07, 2020

Botohan tungkol sa ABS-CBN, puwede nang isagawa sa susunod na pagdinig ng komite sa Kamara

Ipinahayag ni House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez na titignan ng komite kung maaari nang tapusin ang hearing tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN at magkaroon ng botohan sa susunod na pagdinig.
Ipinaliwanag ni Alvarez na bagamat joint hearing ang kanilang ginagawa kasama ng House Committee on Good Government, ang botohan ay para lamang sa 46 miyembro ng House Committee on Legislative Franchises at sa 44 pang House officials na kinokonsidera bilang ex-officio members.
Ayon sa kanya, kung “No vote” ang mananalo ay nangahulugang katapusan na ng prangkisa ng ABS-CBN, subalit kung manalo ang “Yes Vote” ay iaakyat ang isyu sa House Plenary na pagbobotohan muli ng 302 member ng Kamara.
Ang sesyon ng Kamara ay babalik pa sa Hulyo 27 kaya dito pa lamang masisimulan ang deliberasyon sa ABS-CBN sakaling umakyat ito sa plenaryo.