Wednesday, July 15, 2020

Biktima ng hindi pag-ere ng ABS-CBN ng political ads, hindi lamang si Pangulong Duterte

Hindi nag-iisa si Pangulong Rodrigo Duterte na naging biktima ng ABS-CBN at tila na-estafa, nang hindi umere ang political ads, kundi maging ang ibang mga senador at kandidato mula noong 2010 pa.
Inamin ito ng isang opisyal ng ABS-CBN sa pagdinig ng Kamara sa isyu ng prankisa ng dambuhalang media network.
Ang mga ads na hindi nai-ere ng kompanya ay mula sa presidente, bise president, at mga senador noong eleksiyon at para sa presidente noong 2010.
Sinabi ni ABSCBN president at CEO Carlo Katigbak noong siya ay tinanong ni DasmariƱas City Rep Elpidio Barzaga na wala daw silang information noong 2010, pero malamang na nangyari rin daw to tulad noong 2013 and 2016.
Nauna nang nag-atubili si Katigbak kung magbibigay siya ng detalya pero iginiit ni Barzaga na nangyari rin ang kaso kay Senator Migz Zubiri noong eleksiyon ng 2013.
Ani Barzaga, ang lumalabas na complaint ay tinatanggap daw nila ang bayad pero hindi naman nila inere ang mga political ads, tuloy tanong nito na kung ano ba talaga ang proseso ng network.
Napilitan si Katigbak na aminin ang hindi pag-ere ng ads noong nakaraang mga eleksiyon mula 2010, 2013 at 2016 na ikinagalit ni Duterte.
Ayon kay Katigbak. ang isyu ng hindi pag-ere ay nangyari rin sa mga senador —  gaya nina Ralph Recto, Migs Zubiri, Francis Tolentino, Francis Pangilinan at Leila de Lima.
Inamin ni Katigbak na nangyari rin ang insidente sa mga kandidato para sa bise presidente noong 2016 kasama ang kasalukuyang House Speaker Alan Peter Cayetano, dating senador Bongbong Marcos at Antonio Trillanes IV at sa dating Camarines Sur congresswoman Leni Robredo na ngayon ay bise presidente.