Nanawagan si ACT-CIS partylist Rep NiƱa Taduran sa pamahalaan na maghanda sa bagong swine flu na natuklasan sa China at may kapabilidad na maging pandemya.
Ayon sa Taduran, mas maiging bawasan muna ang importasyon ng karne ng baboy at magsagawa ng estriktong quality control sa pinapapasok na karne sa bansa.
Ang bagong G4 strain ng H1N1 swine flu ay nakaapekto na sa sampung porsiento ng mga manggagawa sa China na nag-aalaga o nagkakatay ng maysakit na baboy.
Nanawagan din ang mambabatas na bantayan ang mga lokal na nag-aalaga ng ating mga babuyan, pati na rin ang kanilang mga baboy upang matiyak na ang bagong swine flu ay hindi pa nakakaapekto sa mga ito.