Kinondena ni Deputy Speaker at Basilan Rep Mujiv Hataman ang diumanong warrantless arrest ng dalawang Muslims sa Manila at ang illegal search sa kanilang tahanan noong Independence Day celebration.
Kinuwestiyon ni Hataman ang handling ng operasyon laban kina Saadudin Alawiya at Abdullah Maute na diumanoy mga drug suspects ng Manila Police District.
Sinabi ni Hataman na nag-pahayag lamang siya ng pagkabahala laban sa pamamaraan ng ng mga law enforcer sa pag-handle sa sitwasyon.
Sinugod umano ng mga anti-drug agent ng MPD ang bahay ng mga suspect na hindi man lamang ang mga ito nagpakilala ng kanilang pagiging mga kagawad ng pulis at nagsagawa kaagad ng search sa bisinidad kahit wala silang taglay na search warrant at tuluyang inaresto ang dalawa.
Dahil dito, nananawagan si Hataman sa liderato ng Philippine National Police na imbestigahan ang naturang insidente dahil base sa mga pahayag, mayroon diumanong panga-abuso ng kapangyarihan sa parte ng mga otoridad.