Humiling si Pampanga Rep Juan Miguel Arroyo sa mga paaralan, partikular na rito sa mga pribadong institusyon na babaan nila ang kanilang mga sinisingil na mga miscellaneous fee pati na rin ang kanilang mga tuition fee sa kabuuan dahil ang mga estudyante sa buong bansa ay nag-umpisa pa lamang matutong mag-adjust pa lamang sa online learning sa loob ng new normal.
Sinabi ni Arroyo na dapat babaan din muna ang mga laboratory fees, library, medical at dental, information technology, audiovisual, athletics at insurance na napaulat na ang mga ito ay ikinakarga pa rin ng ilang mga eskuwelahan kahit walang face to face learning dahil sa community quarantine.
Kahit ang mga drinking water, dagdag pa ni Arroyo, ay sinisingil pa sa mga mag-aaral.
Napag-alaman umano niya ang mga ito dahil sa mga complaint na kanyang natatanggap sa magmula sa mga magulang at mga estudyante mismo.
Matatandaang hinikayat at pinaki-usap na ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga institusyon na hindi muna mangolekta ng tuition fees at suspendihin muna ang mga penalty para sa mga late payments.
Samantala, sinabi naman ni Education Secretary Leonor Briones na sa ilalim ng bagong blended learning program ng DepEd, ang mga mag-aaral ay hindi na kailangang magkaroon ng access pa sa computer o sa internet dahil puwede silang gumamit ng telebisyon o radyo.
Maingat namang ipinunto ni Briones na karamihan sa mga respondent sa isinagawang online survey ng DepEd ay nagsasabi na sila ay capable na makaka-access sa internet.