Tuesday, June 23, 2020

Tapusin na ang pagdinig ng prangkisa ng ABS-CBN, apela ng isang solon

Umapela si Buhay party-list Rep Lito Atienza kay House Speaker Alan Peter Cayetano na tapusin na ang pagdinig at gumawa na ng resolusyon kaugnay sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.
Sinabi ni Atienza na masyado nang mahaba at matagal ang ginagawang pagdinig para lamang sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN na kung saan paulit-ulit na lamang ang mga tanong at akusasyon na ibina­bato ng mga oppositor nito.
Binigyang diin pa ni Atienza, nagmistulang prosekusyon at hindi na hearing ang nasabing pagdinig na kung saan ay ini-intimidate o tinatakot pa ang mga testigo o opis­yal ng ABS-CBN.
Ayon sa mambabatas, minsan ay pambabastos  na ang ginagawa ni SAGIP partylist Rep Rodante Marcoleta sa isang bisita sa joint hearing ng House committees on legislative franchises at good government and public accountability.
Si Atienza ay co-author ng isang reso­lusyon na humihiling sa Kamara na aksiyunan na ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa prangkisa nito at napapanahon na upang pagbotohan na sa plenaryo.