Sunday, June 14, 2020

Paglabag sa prangkisa ng ABS-CBN, pinai-imbestigahan

Naghain sina presidential son at Davao City Rep Paolo Duterte, House committee on accounts chairman Abraham Tolentino at House committee on appropriations chairman Eric Yap ng House Resolution 853 na may layuning imbestigahan ang umano’y mga paglabag ng ABS-CBN sa prangkisa na ibinigay ng Kongreso rito.
Ang pagsingil sa publiko sa pay-per-view Kapamilya Box Office channel sa pamamagitan ng ABS-CBN TV Plus ay humahakot ng malaking ganansiya ang kumpanya at the expense of the public habang ginagamit naman nito ang air frequencies na pinagagamit ng gobyerno ng libre, saad ng resolusyon.
Batay sa pa rin dito, itinuloy umano ng ABS-CBN ang operasyon ng pay-per-view channel sa pamamagitan ng free-to-air signals sa kabila ng utos ng National Telecommunications Commission na itigil ito habang wala pang guidelines, isang paglabag sa terms ng legislative franchise nito.
Paglabag din umano sa Konstitusyon ang pagbibigay ng ABS-CBN ng Philippine Depository Receipts sa mga dayuhan.
Ang House committee on Legislative Franchise ang inatasan ng resolusyon na magsagawa ng pagdinig sa mga paglabag ng ABS-CBN, ang parehong komite na tumatalakay sa prangkisa ng istasyon.