Ipininagpaliban muna ng Kamara de Representantes ang pagdinig nito sa prangkisa ng media giant na ABS-CBN at itinakda ito sa susunod pa na linggo.
Sinabi ni House legislative franchises panel chairman at Palawan Rep Franz Alvarez na ito ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang media network at ang iba pang mga ahensiyang may kaugnayan dito na makapagsumite ng mga kinakailangang dokumento at upang mabigyan din ng sapat na panahon ang mga mambabatas na makapagtanong hinggil sa naturang mga dokumento.
Ang susunod na hearing ng House committees on good government and public accountability at legislative franchises ay nakatakda sa June 29.
Naka-eskidyul sanang magpatuloy sa pagdinig ang nasabing mga komite ngayong araw na ito at sa Miyerkules ngunit napagpasyahan ng mga ito na ipagpaliban muna batay sa mga nabanggit na kadahilanan.