Hiniling ni Davao Rep Pantaleon Alvarez sa Department of Education (DepEd) na ikonsiderang payagan ang pagdaos ng face-to-face na klase sa mga area na may low risk ang COVID-19 infection at limitado ang digital capacity.
Sinabi ni Alvarez na hindi lahat ng kayang gawin sa Metro Manila at mga highly-urbanized area ay maaaring gawin sa iba pang bahagi ng bansa.
Ayon pa sa dating Speaker ng Kamara, maaaring ang online at broadcast materials na iminungkahi ng DepEd ay makatutulong ngunit ang mga ito ay hindi madaling makamtan ng karamihang mga guro, estudyante at mga pamilya.
Nauna nang inanunsyo ng DepEd na walang magaganap na face-to-face classes hanggang wala pang bakuna laban sa COVID-19.
Hindi rin umano lahat ng magulang, dagdag pa ng solon, ay may kakayanan na bumili ng laptop, tablet at iba pang gadgets na kailangan upang makapag-aral ang kanilang mga anak at hindi rin lahat ay mayroong internet connection.
Ang paglipat umano sa digital age ay nangangailangan ng sapat na panahon para magawa at sa sitwasyon ng Pilipinas ay hindi maaaring gawin ng biglaan.