Tuesday, June 30, 2020

Pag-ere ng mga programa ng ABS-CBN sa Channel 43, sinilip ng mga kongresista

Ang pag-ere ng mga programa ng ABS-CBN sa Channel 43 matapos ipatigil sa cease and desist order o CDO na inisyu ng National Telecommunications Commission o NTC ay nasilip ng mga mambabatas pagkatapos mapaso ang kanilang prankisa.
Sa pagdinig ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability nitong Lunes, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na maglalabas na rin ang ahensiya ng alias cease-and-desist order laban sa Channel 43.
Naunang kinuwestiyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang patuloy na pag-ere ng Channel 43 gayong kasama ito sa CDO na inisyu ng NTC noong 5 Mayo 2020.
Malinaw daw sa kanya na ito ay isang palabag sa kapangyarihan ng Kongreso dahil ito ay violation sa kanilang constitutional mandate umano na sila lang ang magbibigay ng prankisa.
Inamin ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba kay Defensor, kasama ang Channel 43 sa original na CDO dahil ang prankisa na ginamit para sa digital broadcasting ng ABS-CBN ay napaso na noong 4 Mayo 2020.
Sinabi ni Cordoba noong  nalaman nila na umeere pa rin sila sa Channel 43 kahit paso na ang kanilang franchise at kasama ito sa CDO na inisyu ng NTC noong 5 May 2020 ay sumulat sila sa Office of Solicitor General dahil nasa Korte Suprema na ang isyu.
Nagtanong at humingi daw sila ng guidance sa Office of Solicitor General, ayon pa ka Codona, at itong guidance na ito ay natanggap nila noong Lunes ng umaga lamang at ang sabi ng OSG, tama nga, kasama nga ito at puwede po ang alias cease and desist order.
Sa panig ni Defensor, hindi na kailangan maglabas ang NTC ng alias CDO dahil kailangan lamang ipatupad ng NTC ang kanilang unang CDO na nilalabag umano ng ABS-CBN sa patuloy na pag-ere sa Channel 43.
Kaugnay nito lumabag, umano, sa batas ang ABS-CBN mula nang inilipat ang mga programa sa channel 43.