Sinabi ni Anakalusugan partylist Rep Mike Defensor na hindi dapat payagan ang mga Filipino na nagtataglay ng anumang foreign citizenship na magmamay-ari o mamahala ng anumang media entity sa bansa.
Ayon pa kay Defensor, ang pagre-require ng Saligang Batas na siyento porsiyentong Filipino ang pagmamay-ari media ay naayon naman sa pambansang interes at kalimitan nito ay para sa rasong national security.
Ngunit tanggap naman ni Defensor na ang constitutional provision hinggil sa 100% Filipino ownership ng media ay hindi specifically bumabawal sa mga dual citizen na magmay-ari o mamahala ng isang media entity.
Bagamat ayon sa kanya, ang diea ng naturang probisyon, kung basahin alinsabay sa pagbabawal laban sa dual allegiance, ito nagdedikta na ang isang Filipino na magtagtaglay ng isa pang foreign citizenship ay hindi pinapayagang magmamay-ari o mamamahala ng isang media entity.
Inihalimbawa ni Defensor na kung ang isang Filipino at ito ay Chinese citizen din at may-ari o nagpatakbo ng isang television network station o isang newspaper nitong panahong ito na ang Pilipinas at ang China ay nasa tug-of-war hinggil sa West Philippine Sea, saang side ito papanig?
Ito na umano, dagdag pa ng mambabatas, ang sitwasyon sa pangangailangan ng siyento posiyentong Filipino ownership upang maiwasan ang dual allegiance nito.