May kapangyarihan ang Kongreso ng Pilipinas na i-regulate ang pagmamay-ari ng mga dual citizen ng anumang media company sa bansa sa pamamagitan ng pag-ban ng mga ito upang maproteksiyunan ang interes ng bansa.
Sinabi ni Anakalusugan party-list Rep Mike Defensor na ang mga comprehensive hearing na isinagawa ng House committees on legislative franchises at on good government and public accountability hinggil sa proposed fresh grant ng isang 25-year franchise sa ABS-CBN Broadcasting Corporation ay nakapagpakita na kung ang isang Filipino na isang citizen din ng isa pang bansa ay pinayagan, ito ay inimical o banta sa ating national security at sa interes ng bansa.
Ayon pa kay Defensor, taliwas umano ito sa probisyon ng Saligang Batas na ang media ay dapat 100-percent owned and managed ng mga Filipino o cooperatives o mga corporation na minamay-ari ng mga Filipino.
Ang naturang constitutional prohibition ang na-highlight sa mga hearing hinggil sa ABS-CBN franchise proposal dahil si Ginoong Eugenio Lopez lll, ang kasalukuyang chairman emeritus at dating chairman/president/general manager ng network ay isang dual citizen - isang Filipino at at the same time isang Americano.
Magugunita, ayon sa kanya, na sinabi sa kanila ng Department of Justice (DoJ) noong isang linggo na ang Kongreso ay may kapangyarihang i-flesh out ang constitutional mandate tungkol sa ownership of media ng mga Filipino.