Matapos maghain si AKO BISAYA Rep Sonny Lagon ng House Resolution No. 785 na humihikayat na imbestigahan ang status ng distribusyon ng elektrisidad sa Iloilo City, nagdesisyon ang Kamara na panghimasukan na ang isyung ito.
Sinabi ni Lagon na ang concern lang talaga niya ay yung mga consumers ng siyudad na sana hindi sila maapektuhan, lalo na ngayong pandemic.
Ang problema niya aniya ay yung mga long brownouts na nangyayari sa Iloilo City kung kayat dapat lamang na masolusyunan ito para hindi na magdusa pa ang mga mamamayan ng siyudad.
Bukod dito, ayon pa sa kanya, apektado na rin ng madalas at mahabang brownout ang ginagawang COVID-19 testing doon.
Napag-alaman din daw niya na ang mga ospital ay lumilipat na lamang sa mahabang oras na manual work kapag nawawalan ng kuryente kaya nababalewala ang kanilang effort sa COVID testing.
Hindi rin umano nila magamit ang kanilang automated analyzers dahil sa low capacity ng kanilang generators kaya noong isang linggo ay nakapag test lamang sila ng maximum na 400.