Sunday, June 07, 2020

Binawi ni Salceda ang kanyang yes vote sa inaprubahang Anti-Terror Bill

Sinulatan ni Albay Rep Joey Salceda si House Secretary-General Atty. Jose Luis Montales upang ang kaniyang pagsang-ayon sa HB06875, o ang Anti-Terrorism Law na ipinasa sa ikatlong pagbasa ng Kamara ay gawin na lamang abstention.
Sinabi ni Salceda sa kaniyang sulat kay Montales na i-withdraw nito ang kanyang yes vote na nak-record sa kanya at i-rehistro ito na isang abstention.
Nangangamba ang kongresista dahil ang bersyon ng Senado ang inadapt ng Kamara at hindi na ito padadaanin sa bicameral conference at ito ay tiyak wala ng pagkakataon ang kanyang yes vote with reservations.
Ang HB06875 ay pagsususog sa Human Security Act of 2007, ang kasalukuyang Anti-Terrorism Law at pinapalawak nito ang kahulugan ng terorismo na maaaring magsapanganib aniya sa proteksyon sa mamamayan.
Ang ilan aniyang probisyon dito ay taliwas umano sa isinasaad ng human rights at 1987 Constitution.
Kabilang sa probisyong nakapaloob sa panukala na pinagdududahan ni Salceda ày ang posibilidad na maapektuhan ang right to privacy ng bawat mamamayan, maaaring isailalim sa surveillance at wiretapping ang mga pinaghihinalaang individual o miembro ng terror group.
Tutol din si Salceda sa probißyong nakapaloob sa Section 29 ng Anti-Terrorism Act na ang mga pinaghihinalaan pa lamang ay maaari ng ikulong ng hanggang 14 araw na maaaring umabot pa ng 10 araw na taliwas sa Article 7, Section 18 ng Constitution kahit hindi umiiral ang privilege of the writ of habeas corpus ang isang tao ay maaari lamng makulong ng hanggang tatlong araw kung walang kaso.