Dapat magkaroon at ipinagagana na sa kasalukuyan ng bawat barangay sa buong bansa ang kani-kanilang mental health desk, batay sa itinatakda ng Republic Act 11036 o ang Mental Health Act.
Sinabi ni House Committee on People’s Participation Chairperson at San Jose Del Monte City Rep Rida Robes, na ang kanyang panawagan sa lahat na tumulong ay sa pamamagitan na rin ng pagbibigay ng kanilang panahon o anumang donasyon sa iba’t ibang non-governmental organizations gaya ng National Suicide Prevention Lifeline na tumutugon sa anumang mental health issues.
Ayon sa lady solon, ngayong patuloy na nararanasan ang COVID-19 pandemic, bukod sa pagkakaroon ng hakbang para kontrolin kundi man ganap na puksain ang nasabing sakit, dapat din itong tutukan ng mga local government unit.
Idinagadag pa ng mambabatas, na isa ring aktibong mental health advocate, na mismong ang World Health Organization (WHO) ay nagpahayag ng pagkabahala sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong tinataaman ng matinding depresyon mula sa masa-mang epekto ng coronavirus, hindi lamang sa lipunan kundi maging sa bawat indibiduwal.
Dahil dito, hinimok niya ang bawat miyembro ng pamilya at kahit ang mga magkakaibigan na laging magkaroon ng komunikasyon sa bawat isa, habang mahalaga rin na ang mga barangay ay makaagapay sa idudulog na mental health problem sa kanila.