Thursday, June 04, 2020

Anti-discrimination bill, aprubado na sa Kamara de Reprentantes

Mabilis  na nakalusot sa Kamara de Representates ang HB 6676 o Anti-Discrimination Bill na layong  protektahan ang mga confirmed, suspected, probable, unrecovered at survivors ng COVID-19 cases laban sa anumang uri ng pangaabuso at diskriminasyon.
Sa oras na maging ganap na batas ang mga lalabag ay mahaharap sa parusang pagkakakulong na isang taon hanggang sampung taon at multa ng hindi bababa sa P200,000 hanggang P1 million.
Sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na matapos talakayin ang nabanggit na panukala, ang rekomendasyon ay naka-iskedyul kaagad para sa  plenary deliberations upang matugunan ang mga problemang dulot ng pangaabuso at diskrimasyon dahil sa ating kinakaharap na krisis.