Binigyang-diin ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi siya sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan o huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN Nerworks.
Sa isang panayam, sinabi ni Cayetano na ang tanging habilin sa kanya ng pangulo ay maging patas sa gagawing pagdinig ng House committee on legislative franchises sa pangunguna ni Palawan Rep Franz Alvarez sa susunod na Linggo.
Hindi rin sang-ayon si Cayetano sa sinabi ni Bayan Muna party list Rep Carlos Isagani Zarate na nakialam ang Malacanan sa pagbawi o pag-abandona sa House Bill 6732, ang panukalang batas kung saan nakapaloob ang prangkisa ng Kapamilya networks.
Aniya, ipapasa niya sa komite ang lahat ng mga katanungan dahil meron na itong full autonomy at malaya ang mga member panel na mag-isip at magbintang ang kabilang panig.
Nagtataka naman si Cayetano kung bakit lumalabas na 18th Congress ang may problema samantalang sa 16th Congress, 2 taon na nabinbin ang nasabing prangkisa taong 2014 hanggang 2016, sa 17th Congress, 3 years din na hindi gumalaw, at sa kanyang panahon, wala pang 10 buwan nakapila na ang mga panukala.