Napag-pasyahan ng Kamara de Representantes kahapon na ipagpaliban at ihinto na lamang ang deliberasyon sa pagbibigay ng provisional franchise sa media giant na ABS-CBN sa plenaryo upang bigyang puwang para maipagpag-patuloy ang mga pagdinig ng Legislative Franchises Committee sa 25-year franchise ng naturang kumpanya kasabay ng ilan pang mga franchise application.
Sa privilege speech ni House Speaker Alan Peter kahapon sa plenary session ng Kapulungan, pinahayag ng lider ng mga mambabatas na didinggin na lamang ng komite ang 25-year franchise ng nabanggit na network imbes na ipagpapatuloy pa nila ang pagtalakay ng provisionary grant ng franchise nito, ang HB06732 sa plenaryo sa loob ng period of amendment.
Sinabi naman ni House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na masyado na umanong masalimuot ang isyu para matutukan ng prangkisa kung kaya’t natatabunan na rin ang ilang mga mahahalagang panukala hinggil sa pagtugon laban sa problemang COVID-19 pandemic.
Idinagdag pa ni Romualdez na suportado daw ito ng lahat ng partido ng mayoriya sa Kapulungan dahil ang komite naman daw ang may expertise sa pagtalakay ng mga franchise at isama na ring talakayin nito ang ilan pang mga franchise application dahil at dito naman ang nararapat na venue ng talakayan ng mga ito.
Sa parte naman ni Bulacan Rep Jose Antonio Sy-Alvarado, sinabi nito na siya ay umaasa na mabigyan ng patas na pagtingin ang mga pro at ang mga anti sa ABS-CBN franchise renewal, maging sa provisional man o sa 25-year franchise man.
Sa kasalukuyan, inaantabayan ng mga tagamasid sa House kung kailan magtakda ng mga padinig ang Legislative Franchises Committe na pinamumunuan ni Palawan Rep Franz Alvarez dahil kung ang pababatayan ang Schedule of Committee Meetings, wala pang nakatala para dito.