Sunday, May 31, 2020

Gulayan sa paaralan isinusulong sa Kamara

Isinusulong ni Las PiƱas Rep Camille Villar ang “Gulayan sa Paaralan’ sa gitna na rin ng pandemya sa bansa na dulot ng COVID-19 upang mahubog ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagtatanim ng mga gulay at iba pang pananim na pagkain.
Sinabi ni Villar na mahalagang maituro sa mga mag-aaral ang konsepto ng pag-cultivate ng sarili nilang mga campus farm sa loob ng kanilang mga eskuwelahan sa mura pa nilang mga edad dahil marami na umano ang mga nagbago ngayon tungo sa isang new normal sa panahon ng pandemic.
Sa sandaling mapagtibay ang kayang panukala, ang HB06472, ang mga lokal na pamahalaan ay may mandato na bigyan ng insentibo ang ‘urban agriculture’ sa mga lugar na kanilang nasasakupan.
Ayon kay Villar, importante ang school gardening upang makabawas sa matinding epekto ng COVID-19 lalo na at mag-aani sila ng mga masustansyang gulay sa mga urban areas.
Idinagdag pa niya na kapag umuwi na sila ng bahay, ‘yung mga pinagtabasang gulay tulad ng kangkong, alugbati at iba pa ay maaari nilang itanim.
Binigyang diin ni Villar na base sa pagsasaliksik ay may positibong epekto ang gardening o paghahalaman sa mga estudyante kumpara sa mga campus na walang halamanan.