Iminungkahi ni Albay Rep Joey Salceda ang palalaan ng isang wage subsidy sa halagang ₱45 bilyon na magbi-benipisyo sa 5.98 milyong manggagawa small at medium enterprises at mga freelancer na naapektuhan ng pinalawig na enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatutupad ng pamahalaan.
Iginiit ng House Ways and Means Committee Chair na ang kinikita ng mga nananggit na mga manggagawa ay ang lubhang tinamaan dahil sa ECQ na lalu pang pinalawig hanggang ika-30 ng Abril.
Kaya ipinanukala ni Salceda na ang wage subsidy ay ipamahagi sa mga manggagawa para sa tatlong buwan.
Ayon sa kanya, lumiham siya kay Pangulong Rodrigo Duterte kahapon upang irekomenda na umpisahan nang i-calibrate ang isang wage subsidy program para sa naturang mga manggagawa, ganun na rin sa gig economy upang makapag-operate na ito.
Iginiit pa ng mambabatas na ang kanyang panukala ay gagana bilang isang “payroll support program” na susuporta sa micro, small at medium enterprises habang may ECQ.