Tuesday, April 21, 2020

Romualdez: May sapat na pondo ang pamahalaan para sa CIVID-19

Sa Defeat COVID-19 Committee on the Economic Stimulus Package virtual meeting na isinagawa, sa pangunguna ni House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez, tinalakay ng mga mambabatas ang isyung inihain nina Cluster Co-Chairs Joey Salceda, Sharon Garin at Stella Quimbo.
Ito ay hinggil sa layunin ng usaping ayusin ang economic at financial standing ng bansa sa gitna ng coronavirus disease pandemic.
Inilatag din ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa mga miyembro ang larawan ng mga dapat ipatupad at dapat gawin upang ang publiko ay makaraos sa krisis at muling makabalik sa normal na pamumuhay.
Tinitiyak ni Romualdez na may sapat na pondo ang gobyerno sa gitna ng pandemic.
Ang kailangan lamang aniya ay kabuuang P700 bilyon para magamit sa loob ng  survival period.
Ayon sa kanya, maaari tayong makalikom ng P1 trillion hanggang P1.5 trillion para maipatupad ang mga programa at proyekto kahit para sa  transitional at structural stimulus phases ng ating proposed stimulus package.
Sa pondong ito, siguradong mapapakain natin ang bawat pamilyang Pilipino at masisiguro din natin na masigla ang ating ekonomiya at may trabaho para sa mga nangangailangan at hindi lamang ngayong taon, kundi maging sa susunod pa na mga taon.