Ayon kay Romero, ang isang functional national ID ay maaaring makasalba sa mga buhay at ang last digits ng naturang ID card ay maaaring gamitin para sa quarantine para ma-determina kung sino ang mga lumabas sa kanilang mga tahanan.
Dapat aniya, functional ang national ID na ito kagaya ng ginagamit ng Singapore para mag-distribute ng kanilang bayad o ayuda sa mga nagta-trabaho.
Bagamat may mga inherent data limitations ang National ID System o ang PhilSys, iminungkahi ni Romero kay Acting Secretary Karl Kendric Chua ng Socio Economic Planing na kanyang utusan ang Philippine Statstics Authority na umpisahan na kaagad ang mass registration sa loob ng 60 araw o hindi lalagpas sa June 30.
Dahil dito sinabi ng mambabatas na kaugnay dito, hinahanda na niya ang isang panukala na mag-aamiyenda sa National ID Law para ito ay maging useful lalu na sa pag-pili ng mga target beneficiaries ng ayuda ng pamahalaan at mga serbisyo nito.