Ipinahayag kahapon ni House Speaker Alan Peter Cayetano and balak ng Kongreso ang pagkonsiderang baguhin ang legislative calendar nito sa gitna ng kinakaharap na corona virus disease 2019 (COVI-19) ng bansa ngayon.
Sinabi ni Cayetano na ang liderato ng Kamara de Reprentantes at ng Senado ay nagsagawa na ng inisyal na pag-uusap hinggil sa posibilidad na i-adjust ang kalendaryo ng mga sesyon matapos ang anim na buwang enhanced community quarantine (ECQ).
Ang Kongreso at kasalukuyang naka-Lenten break at mag-resume ang sesyon nito sa a4 ng Mayo, isang recess na halos napasabay sa implementasyon ng quarantine.
Ayon sa Speaker, pinag-usapan nila kung babalik sila sa resumption ayon sa aprubadong calendar o magsasagawa na lamang ba sila ng virtual session pansamantala, at mabilis niyang idinagdag pa na kanila namang gagawin kung anuman ang mainam para sa bansa.
Ngunit sinabi naman ni House Majority Leader Martin Romualdez na kung sakaling magpasya talaga ang Kongreso na hindi na lamang baguhin ang calendar, handa naman daw silang mag-resume ng sesyon sa a4 ng Mayo.