Tuesday, April 07, 2020

Pagbabawas sa MOOE ng mga ahensiyang pamahalaan upang makalikom ng ₱160 billion para sa COVID-19, iminungkahi

Maaaring makalikom ang executive branch ng P160 billion para sa pagsugpo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga maintenance and other operating expenses (MOOE) ng mga ahensiyang pamahalaan.
Ito ang iminungkahi ni 1-PACMAN party-list Rep Mikee Romero sa executive branch sa pamamagitan ng pag-reallign ng mga MOOE dahil karamihan naman ng mga ahensiya ay hindi nag-ooperate sa kasalukuyan dahil sa Luzon-wide enahanced community quarantine (ECQ).
Kabilang sa mga nilalaanan ng MOOE ay ang gasolina at krudo, kuryente, tubig, supplies at mga materiales, komunikasyon, advertising, representation o dining out at entertaiment, at travel allowance ng mga opisina.
Ayon kay Romero, kung tayo ay makaka-save ng 10 porsiyento dahil sa pagbabawas sa MOOE sa loob ng 45-day quarantine hanggang ika-30 ng Abril, makakalikom tayo ng ₱160 billion at ito ay makakatulong na para sa ating financial aid sa mga pamilyang apektado ng lockdown.