Magdaraos ang Defeat COVID-19 Committee (DCC) ng Kamara de Representantes ng isang “modified hearing” mamayang hapon upang talakayin ang ilang mga panukala hinggil sa economic packages sa gitna nitong kinakaharap ng bansa na coronavirus pandemic.
Sinabi Speaker Alan Peter Cayetano na ang naturang pagdinig ay nakatuon sa economic stimulus cluster ng DCC kung saan sina Albay Rep Joey Salceda, AAMBIS-OWA Partylist Rep Sharon Garin, at Marikina Rep Stella Quimbo ay magpi-present ng kanilang mga proposal.
Bilang pagsunod sa quarantine measures, sinabi ni Speker Cayetano na ang hearing ay isasagawa online.
Ayon lider ng Kamara, magsasalita sa umpisa ang ibang mga taga-executive at ipi-present naman ng tatlong congressman, sina Reps Salceda, Sharon Garin at Quimbo ang mga proposal nila at pagkatapos ay bibigyan ng pagkakataon ang media na makapagtanong.
Sinabi naman ni Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na ang DCC ay naka-focus sa lahat ng mga usaping direkta at principally na may kaugnayan sa mga ankop na tugon ng pamahalaan kung papaano mapahinto ang pagkalat ng coronavirus at ang epekto nito sa ekonomiya at sa mga mamamayan lalu na sa mga manggagawa.