Wednesday, April 22, 2020

Majority Leader Romualdez, nananawagang suportahan ang mga inisyatibo ng pamahalaan laban sa COVID-19

Nananawagan si House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez sa mga mamamayan na suportahan ang mga inisyatibo ng administrasyon sa paglaban sa COVID-19 ng sabihin niya na ang kalabang ito ay matatalo lamang sa pamamagitan ng koopetasyon ng bawat isa.
Ang pahayag na ito ay kanyang sinabi doon sa pag-resume ng Defeat COVID-19 Committee (DCC) technical working group meeting ng economic stimulus package cluster.
Isa si Romualdez sa mga key leaders na namuno sa pagbangon ng Tacloban City at Region VIII galing sa pananalanta ng Typhoon “Yolanda” noong taong 2013.
Sinabi pa ni Romualdez na kung mapag-ipon lamang natin ang ating mga resources, walang dudang maka-survive tayo at malagpasan natin ang krisis na ating kinakaharap sa kasalukuyan.
Ang Sub-Committee on Economic Stimulus and Response Package na pinamunuan nina Rep Joey Salceda ng Albay, chairman ng House Committee on Ways and Means, Rep Sharon Garin ng AAMBIS OWA, chairman ng House economic affairs committee, at Rep Stella Luz Quimbo ng Marikina City, ay gumawa na ng economic response presentations at napagkasunduan nila na kanilang i-consolidate ang mga  proposal at mga mungkahi ng mga resource person at i-submit ito sa mother committee, ang DCC.