Monday, April 27, 2020

Mabagal na distribusyon ng SAP sa mga benepisyaryo, ikinadismaya ni Defesor

Nagpahayag ng pagka-dismaya ang isang lider ng Kamara de Representantes dahil sa mabagal na distribusyon ng cash aid sa mga benepisyaryo na target ng batas na Bayanihan to Heal as One na kanilang ipinasa noong nakaraang buwan.
Hinikayat ni House public accounts committee chairman Rep Mike Defensor ang Departments of Labor and Employment (DOLE), Agriculture (DA) at Social Welfare and Development (DSWD) na madaliin ang implemetasyon ng finacial assistance progran (SAP) ng pamahalaan para sa mga sektor na apektado ng enhanced community quarantine.
Tinukoy ni Defensor ang ulat ng Malakanyang sa Kongreso hinggil sa implementasyon ng Bayanihan law noong nakaraang Lunes kung saan ito ay nagpapakita na isang kaunting bahagi lamang ng ating mga magsasaka at displaced OFW ang mga nakatanggap ng ayuda.
Hindi matanggap ni Defensor ang pahayag ng DSWD hinggil sa pagkabalam ng implementasyon ng ₱200 billion na SAP sa loob ng Bayanihan law.
Matagal pa umano, ayon sa Anakalusugan partylist representative na maging ganap ang pagpapatupad ng naturang batas kung ang pagbabatayan ay ang ulat ng ehekutibo sa Kongreso.
Marapat lamang daw na bilisan ang proseso ng pag-distribute upang ang ayuda ay makarating sa mga mahihirap nating mga kababayan at manggagawa sa lalung madaling panahon.