Sunday, April 19, 2020

Isang miyembro ng security staff ng Kamara, nag-positibo sa COVID-19

Ipinahayag ni House of Representatives Secretary General Atty Jose Luis Montales kahapon na may isang miyembro ng security staff ng Kamara de Representantes ang nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni Montales na na-admit ang pasyente sa isang ospital noong April 7 dahil sa pneumonia at kalaunan ay na-discharge din noong Apri 11, ngunit nakatanggap siya ng advise na mayroong isang security personnel ng House na nag-positibo sa COVID-19.
Ayon pa kay Montales, ang empleyado ay nagda-dialysis at huling nag-report sa trabaho noong Enero pa.
Ang security staffer ay na-admit sa ospital dahil sa pneumonia ngunit na-discharge agad ito at muli siyang inadmit dahil matapos itong i-test ay nag-positibo na sa coronavirus, bagamat hindi ito nakitaan ng sintomas muna dahil asymptomatic ito.
Matatandaang dalawang empleyado ng House printing service ang nag-positibo rin kamakailan lang sa coronavirus at ang isa na siyang may pre-existing medical conditions ay tuluyang nasawi dahil sa coronavirus.