Wednesday, April 15, 2020

Inumpisahan nang magpulong ang defeat COVID-19 committee ng Kamara kahapon ng hapon

Inumpisahan na kahapon ng economic stimulus cluster ng Defeat COVID-19 Committee (DCC) sa Kamara de Representantes ang pagpupulong ng technical working group (TWG) para talakayin ang panukalang economic stimulus package sa gitna ng corona virus pandemic.
Sa isinagawang virtual meeting, ang mga attendees ay inaasahang magkaroon ng inisyal na talakayan hinggil sa proposed Economic Stimulus-Response Package na hinanda ni Albay 2nd District Rep Joey Salceda, AAMBIS-OWA Partylist Rep Sharon Garin at Marikina City 2nd District Rep Stella Quimbo.
Si Salceda ang chairperson committee on ways and means habang si Garin naman ang chairperson ng committee on economic affairs.
Sa kanyang opening remarks, nagpahayag ng hinagpis si Majority Leader and Leyte Rep Martin Romualdez na nagsilbeng co-chairperson ng DCC, kung bakit may marami pang mga isyu na dapat tugunan doto sa pandemic.
Ngnit mabilis naman niyang sinabi na malinaw daw ang misyon nating lahat sa panahon ng COVID-19 at ito ay ang siguruhing bukas ang mga tindahan at negosyo, may trabahong naghihintay sa mga manggagawa, may kikitain ang mga gustong magbanat ng buto at may pagkain sa bawat mesa.