Tuesday, March 24, 2020

Umabot sa halos 14 na oras ang Special Session sa halos 14 na oras ang Special Session ng Kamara upang talakayin ang panukalang lalaban sa COVID-19

Halos umabot sa 14 na oras bago naauprubahan sa Special Session ng Kamara de Representantes kahapon upang talakayin ang HB 6616 na magdi-deklara ng National Emergency sa buong bansa.

Ang HB 6616 ay inaprubahan sa third and final reading at ang Senate version nito, ang Senate Bill 1418, upang bigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa paglaban sa pandemic virus na COVID-19.

Sa botong 284, siyam ang tumutol at walang abstention, inaprubahan kaninang alas 3 e medya ng madaling araw ng House of Representatives ang HB No. 6616 sa pangatlo at pinal na pagbasa at ang Senate version nito.

Nag create din ito ng Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee at hinirang bilang Chairperson nito si House Speaker Alan Peter Cayetano at Co-Chair naman si House Majority Leader at Leyte Rep Ferdinand Martin Romualdez.

Ito ang kauna-unahanang pagkakataon sa Kamara na nagsagawa ng virtual session sa mga internet media platform upang mahigpit na maipatupad ang social distancing measures sa gitna na rin umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine.