Iminungkahi ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na patawan ng temporary tax exemption ang mga face mask, sanitizers at iba pang mga kahalintulad na produkto.
Ayon sa mambabatas, kung hindi papatawan ng buwis sa mga personal protective equipment at antiseptic products ay matitiyak ang sapat na suplay ng mga ito sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa.
Paraan din aniya ito upang mapigil ang pananamantala ng ilang negosyate sa pagpapataw ng mas mataas na presyo sa naturang mga produkto.
Ngayong linggo inaasahang ihahain ni Castelo ang panukala.
Sa kasalukuyan, mayroon nang sampung naiulat na kaso ng COVID-19 sa bansa kasunod ng kumpirmasyon ng dagdag na apat na kaso kagabi.