Tatalakayin na ng House Committee on Legislative Franchises ang nasa 11 panukala na para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN sa sususunod na linggo
Sa Press Briefing sa Kamara kanina, inanunsyo ni House Speaker Alan Peter Cayetano na kanilang napagkasunduan sa isang pulong kasama si Legislative Franchises Committee Chairman Franz Alvarez at 5 Vice Chairmen ng Komite na simulan na ang pagdinig sa prangkisa ng kapamilya network sa March 10 .

Kabilang sa mga iimbitahan sa pagdinig ang National Telecommunications Commission (NTC) kung saan, posibleng hilingin din ng komite sa NTC na gawaran ang ABSCBN ng provisional authority to operate upang matiyak ang tuloy tuloy na operasyon ng giant media Network habang dinidinig sa Kamara ang prangkisa nito.
Ipinaliwanag ni Cayetano na bahagi ng prayoridad ng Kamara ang ABS-CBN franchise bills ngunit may mga "urgent" measures pa na mas kailangang unahing ipasa na dahilan kung bakit bahagyang naantala ang pagtalakay dito.
Samantala, hindi pa muna pahaharapin sa nasabing pagdinig ang mga opisyal ng ABS-CBN dahil posibleng mabitin ito at tumindi ang hidwaan ng mga tutol at sangayon sa prangkisa bunsod ng nakatakdang session break para sa Holy week.