Ayon kay Iloilo City Rep Julienne "JamJam" Baronda, bagamat wala siyang nararamdamang sintomas ng coronavirus ay sasailalim na siya sa self-quarantine bilang pagsunod sa health standard precautionary measures ng mga otoridad.
Paliwanag ni Baronda, nitong March 9 ay nakipagpulong siya kay Budget and Management Sec Wendel Avisado at March 10 naman ay nakasama naman nito si Transportation Sec Arthur Tugade at ang team nito.
Sina Avisado at Tugade ay ilan lamang sa mga government officials na sumailalim na sa self-quarantine dahil nakasalamuha ng mga ito ang isang opisyal na nagpositibo sa COVID-19.
Pinayuhan naman ni Baronda ang publiko na maging maingat sa kalusugan, kumuha lamang ng mga impormasyon sa mga lehitimong websites at sa mga otoridad, gayundin ang maiging pagsunod sa sanitary at health protocols.
Bukod kay Baronda, naunang sumailalim din sa self-quarantine si Davao City Rep Isidro Ungab matapos na makasalamuha kahapon sa Senado si Senator Sherwin Gatchalian na na-expose sa isang resource person sa hearing na positive pala sa COVID-19.